Target ng United Kingdom na makakuha ng 50 medalya sa nalalapit na Paris Olympics.
Nakatakdang magpadala ang naturang bansa ng 327 atleta, mas mababa kaysa sa mga ipinadala nito sa nakalipas na Tokyo Olympics.
Ayon sa UK Sports, ang government agency ng UK na responsable sa kapakanan at performance ng mga Olympians nito, lumampung(50) medalya ang minimum na hinahangad nilang maiuuwi ng mga atleta.
Ngunit batay sa medal range na una nang tinaya ng sports body, maaaring aabot ito mula 50 hanggang 70 medals. Mula sa naturang pagtaya, umaasa ang UK Sports na 35% dito ay pawang mga gintong medalya.
Umaasa rin ang naturang bansa na matatapos ang Team UK sa top-5.
Sa pagtaya pa rin ng UK Sports, maaaring makuha ng naturang bansa ang ika-apat na pwesto kung saan mangunguna ang USA, ikalawa ang China, at pang-apat ang Japan.
Ang panglima, batay sa forecast nito, ay ang host country na France.
Ang naturang bansa ay consistent na nag-uuwi ng maraming mga medalya sa mga nakalipas na Olympics.
Noong 2012 London Olympics, nakapagbulsa ito ng 65 medal; 67 medals noong 2016 Rio Olympics, at 64 noong Tokyo Olympics.
Samantala, sa 327 na kabuuang atleta na ipapadala ng naturang bansa sa Paris, 174 dito ay mga babae habang 153 ay mga lalaki.