-- Advertisements --

Pinag-aaralan na ng United Kingdom ang plano nitong paglalagay ng magkahiwalay na areas sa Heathrow Airport para sa mga pasaherong papasok sa kanilang bansa na manggagaling mula sa mga rehiyon na apektado ng coronavirus.

Ang bagong patakaran na ito ay gagawin lamang sa mga flights mula sa Wuhan, China papuntang London Heathrow.

“This is to ensure that when flights come in directly to Heathrow there is a separate area for people to arrive in,” saad ni U7K transport minister Grant Shapps.

Tinatayang nasa 200,000 pasahero ang dumadating at umaalis sa naturang airport araw-araw.

Ang bayan ng Wuhan ang di-umano’y sentro ng pagkalat ng naturang virus na maaaring maipasa sa ibang tao. Kumalat na rin ang sakit sa iba’t ibang syudad sa China maging sa United States, Thailand, South Korea, Japan at Taiwan.

Pumalo na sa siyam katao ang namatay sa China at 44 naman ang kumpirmadong apektado ng virus.