-- Advertisements --

Tinanggal na ng United Kingdom ang travel ban sa 11 bansa.

Nauna ng ipinatupad kasi ng UK ang travel ban sa mga bansang Angola, Botswana, Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozabique, Namibia, Nigeria, South Africa, Zambia at Zimbabwe mula ng kumalat ang Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay UK Health Secretary Sajid Javid na wala ring kuwenta ang travel ban dahil naitala na nila ang local transmission ng nasabing virus.

Magpapatupad na lamang silang ng paghihigpit sa mga pasahero na darating sa kanilang bansa gaya pagsasailalim ng COVID-19 testing.

Magugunitang unang naitala sa mga bansa sa Africa ang Omicron variant ng COVID-19.