Handa umanong magpa kumbaba si Britain trade minister Liam Fox sa anak ni US President Donald Trump na si Ivanka Trump kaugnay ng di-umano’y paglabas ng confidential memo kung saan tinawag nitong “uniquely dysfunctional” ang American president.
Nakasaad sa nasabing memo na ito ang pang-iinsulto ni Fox kay Trump.
Ayon kay Fox, magso-sorry daw ito dahil hindi raw naabot ng UK ang inaasahan ng United States mula sa kanilang bansa lalo na pagdating sa civil service at political class.
Aminado naman si Fox na “unprofessional” at “unethical” umano ang paglabas ng nasabing memo pati na rin ng kaniyang pang iinsulto kay President Trump.
Una rito ay pinatutsadahan ni ni Trump si Fox matapos nitong malaman ang negatibong sinabi nito patungkol sa kaniya.
Aniya, sigurado raw ito na hindi napagsilbihan ng maayos ni Fox ang United Kingdom at hindi na lang daw niya iintindihin ang mga sinasabi nitong paninira laban sa kaniya.