MANILA – Kinumpirma ng Quezon City local government na nasa lungsod ang kaso ng COVID-19 UK variant, na unang tinukoy ng Department of Health na residente ng Liloan, Cebu.
Ayon sa QC LGU, natunton sa isang apartment sa Riverside, Brgy. Commonwealth ang 35-anyos na lalaking OFW.
“Quezon City will conduct contact tracing and testing in a community within Riverside, Brgy Commonwealth, after a 35-year-old man who was quarantined for Covid-19 in an apartment with another individual, later tested positive for the B.1.1.7 variant (UK variant) of Covid-19, after his samples were sequenced at the Philippine Genome Center,” batay sa press release ng lokal na pamahalaan.
“n its release last February 5, the DOH referred to the man who hails from Liloan, Cebu as the eighth UK variant case, whose sample was collected on January 17. The DOH tagged the man as an active case with mild symptom.”
Batay sa ulat ng QC Epidemiology and Surveillance Unit, Agosto noong nakaraang taon pa nang dumating mula Korea ang lalaki at umuwi ng Cebu.
Bumalik lang daw ito ng Metro Manila noong November 17, 2020 para mag-apply ng panibagong trabaho papuntang Taiwan.
Tumira ang lalaki sa Sucat, Paranaque habang nilalakad ang mga dokumento sa Malate, Manila kung nasaan ang opisina ng kanyang manning agency.
Noong January 14 nang huling pumunta sa kanyang manning agency ang lalaki matapos makakuha ng overseas placement.
“While waiting for deployment, he rode a taxi and stayed in a hotel in Manila on January 17. On that same day, he underwent a swab test in Pasay City.”
Kinabukasan, nalaman na positibo siya sa COVID-19 kaya agad pinadala sa Philippine Genome Center ang kanyang sample para sa genome sequencing.
“He continued to stay in the same hotel until January 21, and thereafter his agency booked a ride via a ride-hailing app and transferred him to an apartment in Riverside.”
“On February 5, his genome sequencing results showed he contracted the B.1.1.7 variant. On February 8, he developed a mild cough. On February 10, his agency arranged another swab test. His companion was also swabbed.”
Ayon kay Dr. Rolly Cruz, head ng QC Epidemiology and Surveillance Unit, ngayong araw dadalhin sa Hope Facility ng lungsod ang lalaki para ma-isolate.
Kasama niyang ililipat ng isolation ang kasama niya sa apartment, na isinailalim na rin sa RT-PCR swab test.
Iimbestigahan naman ang manning agency ng lalaki matapos payagang umalis ang OFW sa tinuluyang hotel sa Maynila, nang hindi pa tapos ang 14 day quarantine.
“This agency placed an entire community at risk by bringing a Covid-19 positive patient to our city, considering that both their agency and the quarantine hotel are in Manila,” ani Mayor Joy Belmonte.
Sa ngayon nagpapagaling pa raw ang lalaki matapos makaranas ng sintomas na ubo at sipon.
Ayon naman kay Dr. Alethea De Guzman ng DOH Epidemiology Bureau, nakikipag-tulungan na rin sila sa lokal na pamahalaan ng QC para matukoy kung paano nahawa ng UK variant ang lalaki.