-- Advertisements --

Kumalat na sa 50 mga lugar sa buong mundo ang bagong uri ng coronavirus na unang natuklasan sa United Kingdom.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang isa pang strain ng COVID-19 na sinasabing nagmula sa South Africa ay naitala naman sa 20 mga bansa.

Maliban dito, binabantayan din ng UN body ang umano’y ikatlong bagong coronavirus variant na nadiskubre sa Japan.

“The more the SARS-CoV-2 virus spreads, the more opportunities it has to change. High levels of transmission mean that we should expect more variants to emerge,” saad ng WHO.

Ang SARS-CoV-2 ay ang virus na nagdudulot ng COVID-19 disease.

Mula nang unang maiulat sa WHO noong Disyembre 14, ang British-identified variant VOC 202012/01 ay naitala na sa 50 bansa, teritoryo, at mga lugar.

Ang pahayag na ito ng WHO ay kasunod sa pagkaka-detect na rin ng Pilipinas sa bagong COVID-19 variant na nakita sa UK sa pamamagitan ng Pilipinong nanggaling sa United Arab Emirates.

Habang ang outh African-identified variant 501Y.V2, na unang iniulat noong Disyembre 18, ay nakita na na sa 20 bansa at mga teritoryo sa buong mundo.

“From preliminary and ongoing investigations in South Africa, it is possible that the 501Y.V2 variant is more transmissible than variants circulating in South Africa previously,” batay sa WHO weekly report.

“Moreover, while this new variant does not appear to cause more severe illness, the observed rapid increases in case numbers has placed health systems under pressure.” (AFP)