-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang negosyante sa pamamaril sa syudad ng Tacurong.

Nakilala ang biktima na si Russel Mama na residente ng Purok Maligaya Barangay San Pablo Tacurong City.

Ayon sa ulat ng pulisya na pinasok ng dalawang hindi kilalang suspek ang biktima sa kanyang bahay at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo na walang plaka.

Patay on the spot ang biktima ng magtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan.

Personal na alitan o rido ang sinusundang anggulo ng mga otoridad sa kanilang imbestigasyon sa pamamaril patay kay Mama.