-- Advertisements --
Patay ang Ukraine Ambassador to Thailand na si Andri Beshta matapos na atakihin sa puso.
Ayon sa Koh Lipe Police Station, naka-bakasyon ang 45-anyos na si Beshta kasama ang anak nito sa Bunga Resort ng ito ay atakihin sa puso.
Walang nakita ang mga kapulisan na nagkaroon ng foul play sa pagkamatay ni Beshta.
Kuwento naman ng 17-anyos na anak nito na si Ostap Beshta, nasa loob ng kuwarto ang ama nito ng magsimula ng magsuka at mawalan ng malay.
Dinala pa ito sa pagamutan subalit hindi na ito naagapan.
Itinalaga si Beshta bilang Ukraine ambassador to Thailand noong 2015 at dumating sa bansa noong 2016.