-- Advertisements --
Magkakaroon ng pagpupulong ang Russia at Ukraine sa susunod na linggo.
Isasagawa ang pulong sa Saudi Arabia kung saan kasama rin ang kinatawan ng US.
Ang nasabing pulong ay kasunod ng pagsusulong ng US ng ceasefire para tuluyang matapos na ang mahigit na tatlong taon na giyera sa dalawang bansa.
Nauna rito ay tinawagan ni US President Donald Trump sina Russian President Vladimir Putin at Volodymyr Zelensky.
May ilang mga paksa na nasa kasundunan ang patuloy na inaayos ng US para tuluyang mapapayag ang dalawang bansa na tumugon.
Magugunitang noong 2022 ng inulan ng airstrike ng Russia ang Ukraine kung saan sinakop nila ang ilang bahagi ng nasabing bansa.