-- Advertisements --

Ayon sa White House , na tiniyak ng dalawang bansa na magkakaroon ng ligtas na pagdaan ang mga commercial shipping sa Black Sea at ititigil na rin ang military strikes.

Ang nasabing pahayag ay isinagawa matapos ang magkahiwalay na pag-uusap sa kinatawan ng US at ng dalawang bansa na ginanap sa Saudi Arabia.

Nagbabala naman ang Ukrainian defense ministry na ang anumang paggalaw ng barkong pandigma ng Russia sa labas ng silangang bahagi ng Black Sea ay itatrato nila ito bilang paglabag sa kasunduan.

Tinawag naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang nasabing kasunduan na isang hakbang para sa tamang direksyon pero masyadong maaga para sabihin na ito ay gumagana.

Umaasa naman ang Russia na dahil sa pagpayag nila sa ceasefire ay marapat na tanggalin na ang ipinataw na sanctions sa kanila.