Naglunsad ng drone atacks ang Ukraine sa walong rehiyon ng Russia kung saan tinarget nito ang fuel depot at power substations.
Kinumpirma naman ng Russian Defense Ministry na umatake ang Ukraine na naging resulta ng pagkasira ng hindi bababa sa tatlong power substations at fuel storage facility.
Ayon kay Smolensk regional governor Vasiliy Anokhin, inatake ng Ukraine ang fuel at energy facility sa Kardymovsky district ngunit napigilan naman umano ito ng air defense ng Russia.
Ipinaalam din ng governor ng southwestern region of Bryansk na si Aleksandr Bogomaz na nagkaroon ng sunog sa isang energy infrastructure facility matapos patumbahin ang Ukrainian UAV.
Hindi naman nagpahuli ang Russia dahil inatake rin nito ang Ukraine ng pitong missiles, ayon sa opisyal ng Ukrainian air force.
Base sa ulat ni Gov. Oleh Kiper ng Odesa Region, naging dahilan ito ng pagkasira ng ilang imprastraktura sa lugar.