-- Advertisements --

Inaprubahan ng parliyamento ng Ukraine ang panukalang batas na pagdagdag sa mga sundalo para tuluyang labanan ang Russia.

Ang nasabing batas ay suportado ng Ukrainian army kung saan sinabi nila na mayroong 10 beses na mas marami na ngayon ang sundalo ng Russia kumpara sa Ukraine.

Paliwanag ng ilang mga mambabatas ng Ukraine na sa nasabing batas ay mas mapapalakas pa ang kanilang puwersa.

Una ng niluwagan ng Ukrainian military ang mga requirements ng mga nais na pumasok sa pagiging sundalo.

Tuloy-tuloy din ang paghingi ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ng tulong sa mga bansa ng mga armas para sa panlaban sa Russia.