Inanunsiyo ng Ukrainian government na gagawaran ng “peace awards” ang mga international companies mula kay President Volodymyr Zelensky kapag lilisanin nila ang Russian markets.
Sinabi ni Andriy Yermak, ang head ng Office of the President na deserve ng mga kompaniyang umalis sa Russia ng respeto mula sa Ukrainians at mula sa buong mundo.
Hinimok din nito ang iba pang mga kompaniya na gumawa ng tamang desisyon.
Imposible aniya na suportahan ang war crimes at inadmissible para makipagkalakalan sa mga war criminals at magkaroon ng pera mula sa pagpatay sa mga sibilyan.
Nauna rito, marami ng mga international corporations ang inalis na ang kanilang negosyo sa Russia mula sa iba’t ibang industriya kabilang sa energy, transportation, finance at technology mula ng magsaagawa ng military operation ang Russia sa Ukraine.
Kamakailan, umapela rin si Ukraine President Zelensky sa mga business giants sa France na lisanin ang Russian market at ihinto ang pagsponsor sa Russia ng war machines.