-- Advertisements --

Handa ang Ukraine na pumasok sa negosasyon sa Russia.

Sinabi ni Ukraine foreign minister Dmytro Kuleba na bukas sila sa diplomatic talks sa Russia subalit nagmatigas sila na hindi susuko ang kanilang puwersa sa Russia.

Dahil dito ay patuloy ang kanilang panawagan sa mga bansa ng karagdagang armas militar para panlaban sa Russia.

Dagdag pa nito na tila inulit ng Russia ang taktika nito na ginawa noong lusubin ang Syria.