-- Advertisements --

Nakahanda ang Ukraine na talakayin ang pagpapatibay ng “neutral status” bilang bahagi ng isang “peace deal” sa Russia.

Ngunit ang naturang kasunduan ay kailangang garantisado ng mga “third parties ” at ilagay sa isang referendum.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang pagsalakay ng Russia ay naging sanhi ng pagkawasak ng mga Russian-speaking cities sa Ukraine, na may pinsalang mas malala kaysa sa mga Russian wars sa Chechnya.

Aniya, kaniyang magagarantiya ang seguridad at neutralidad maging ang non-nuclear status.

Ito aniya ang pinakamahalagang punto.

Sinabi ni Zelensky na tumanggi ang Ukraine na talakayin ang ilang iba pang kahilingan ng Russia, tulad ng demilitarization ng bansa.