-- Advertisements --
Magpapadala ng representative ang Ukraine sa US sa mga susunod araw para talakayin ang proposal ng White House mineral deal.
Sinabi ni Deputy Prime Minister Yulia Svyrydenko na mayroong grupo mula sa kanilang gobyerno ang magtutungo sa US para masiulong na ang kasunduan.
Ang nasabing mineral deal ay iminungkahi ni US President Donald Trump para magkaroon ng pangmatagalang tigil putukan nila ng Russia.
Una rito ay inakusahan ng Ukraine ang Russia na gumagawa ng mga dahilan para hindi matuloy ang anumang kasunduan.
Isa sa naipangako ni Trump noong tumatakbo sa halalan na kaniyang tatapusin ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.