-- Advertisements --

Hindi na pipilitin pa ng Ukraine na maging kasapi pa ito ng North Atlantic Treaty Organization (NATO).

In-anunsyo ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy matapos na tanggihan ng NATO ang kanyang kahilingan na ipatupad ang no-fly-zone sa himpapawid ng Ukraine sa kadahilanang maaari daw itong maging sanhi mas matinding digmaan sa Europe.

Aniya, dahil sa naging pasyang ito ng NATO ay maraming dugo ang dadanak. dahil mahina ito, at kawalang pagkaka-isa

Dahil dito ay naging bukas na si Zelenskyy na i-kompromiso ang katayuan ng dalawang breakaway pro-Russian territories na kinilala ni Russian President Vladimir Putin bilang isang independyente bago pa man nito simulan ang naging pagsalakay sa kanilang bansa noong Pebrero 24.

Hindi rin aniya handa ang NATO na tanggapin ang Ukraine at takot din ito pagdating sa mga kontrobersyal na bagay at maging sa pag-kompronta sa Russia.

Pagtutukoy pa nito sa NATO membership, sinabi ni Zelenskyy na hindi niya gustong maging presidente ng isang bansang nagmamakaawang humiling ng isang bagay.

Samantala, ipinahayag naman ng Ukraine president na bukas ito sa pakikipagdayalogo sa Russia hinggil sa mga hinihinging demand nito.