-- Advertisements --
Patuloy ang panghihikayat ng gobyerno ng Ukraine sa kanilang mamamayan na magpabakuna laban sa COVID-19.
Kasunod ito sa patuloy na pagtaas muli ng kaso ng COVID-19.
Nitong nakaraang araw lamang kasi ay mayroong 734 na kaso ang naitala at tumaas din ang bilang ng mga naitatakbo sa pagamutan.
Isa kasi ang Ukraine sa pinakamahirap na bansa sa Europa na mayroon lamang 7 milyon sa 41 milyon nilang populasyon ang nabakunahan laban sa COVID-19.