-- Advertisements --

Mula noon pa ay alam na ng Ukraine na lulusubin sila ng Russia.

Ayon kay Ukraine Ambassador to US Oksana Markarova, nabasa na nila noong nagsalita si Russian President Vladimir Putin na nagsasagawa lamang sila ng military drill sa Belarus.

Tiniyak din nito na nakahanda silang makipagsabayan sa Russia.

Hindi na sila umaasa na may mga bansa na tutulong sa kanila.