-- Advertisements --

Mariing kinondina ng human rights group sa Ukraine ang ginawang pagbitay ng Russia sa mga bihag nilang sundalo ng Ukraine.

Sinabi ni Dmytro Lubinets na sumulat na siya sa United Nations at Red Cross ukol sa nasabing alegasyon.

Inaakusahan nito ang Russia na lumalabag sa lahat ng mga panuntunan sa giyera.

Magugunitang inilabas ng Russia na kanilang pinaslang ang bihag na mga sundalo ng Ukraine mula sa Kursk border region.