Inaasahang maging sentro ang Ukraine sa ginaganap na World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Ito ay kasabay ng pagtitipun-tipon ng global business at political A-listers sa Davos para sa ambisiyosong layunin na mapagkaisa ang tinawag na “fragmented’ world.
Naka-schedule naman si Ukraine President Volodomyr Zelensky para sa video apperance nito sa sidelines ng Forum.
Nagpadala ang Ukraine ng isa sa pinakamalaking delegasyon nito kinabibilangan ng First lady ng Ukraine, ministers, military leaders, mayors at mga sundalo para umapela ng karagdagan pang mga weapons at financial support mula sa West sa gitna ng nagpapatuloy na Russian invasion.
Nakatakdang makipagpulong sina Ukraine First lady Olena Zelenska at Kyiv mayor Vitali Volodymyrovych Klitschko kasama ang top executives at politicians sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Una ng nagtipun-tipon ang chief executives at world leaders para sa annual conference na nagsimula nitong Lunes na may temang “Cooperation in a Fragmented World” habang ang giyera sa Ukraine ay nalalapit ng mag-isang taon na sa Pebrero 24.