-- Advertisements --

Inakusahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy ang North Korea dahil sa pagpapadala ng mga armas at sundalo sa Russia.

Sinabi nito, na naging mahigpit ang ugnayan ng Russia at North Korea kung saan hindi lamang mga armas ngayon ang ibinibigay maging ang mga sundalo.

Dahil dito ay nanawagan si Zelensky sa mga kaalyadong bansa na dapat ay doblehin ang mga military support sa Ukraine.

Hindi lamang din sapat ang mga armas dahil marapat na magkaroon ng pressure ang Russia na hindi na nito makayanan pa ang makipaglaban.

Muli din itong humiling sa mga kaalyadong bansa niya na kung maari ay magamit na nila ang kanilang long-range missiles sa pag-atake sa Russia.