Inakusahan ng Ukraine ang Russia na nagtatanim ng mines sa Black Sea at ilan sa mga munitions o bala umano ay na-defuse sa Turkey at Romania kasabay ng lumalawak na merchant shipping sa rehiyon.
Ang Black Sea ang pangunahing shipping route para sa grain, oil at oil products.
Ang karagatang ito ay pinaghahatian ng Bulgaria, Romania, Georgia at Turkey gayundin ang Ukraine at Russia.
Ayon sa Ukraine’s foreign ministry, ginagamit ng Russia ang naval mines bilang “uncontrolled drifting ammunition.”
Natagpuan ang drifting mines noong Marso 26 hanggang 28 ng kasalukuyang taon sa may coastal ng Turkey at Romania.
Ito aniya ay isang uri ng “R-421-75” sea mines kung saan nasa 372 units nito ang nakatago sa Ukraine 174th armament base sa Sevastopol at nakuha ng Russian military sa kasagsagan ng kontrobersyal na annexation ng Crimea noong 2014.
Nauna nang inakusahan ng main intelligence agency ng Russia ang Ukraine na nagtatanim ng mina para maprotektahan ang mga pantalan at daan-daang mga explosives aniya ang nasira at lumubog subalit marring tinanggi ng Kyiv ang naturang paratang na pawang disinformation.