-- Advertisements --

Inakusahan ng Ukraine ang Russia na pagsasagawa ng false flag operation para kaladkarin ang kaalyadong bansang Belarus sa giyera laban sa Ukraine.

Ito ay kasunod ng pag-atake ng Russian jets mula sa airspace ng Ukraine sa isang village ng Belarus.

Nagbabala din ang Ukraine na maaaring pinaplano na ng Russia na atakehin ang teritoryo ng Belarus.

Sa isang statement, sinabi ng Ukraine’s Air Force Command na ito ay isang provocation para makialam ang Armed Forces of the Republic of Belarus sa nangyayaring giyera sa Ukraine.

Nangyari ang naturang pag-atake habang nakikipagpulong si Belarusian leader Alexander Lukashenko kay Russian President Vladimir Putin sa Moscow.

Ayon sa Ukraine State Centre for Strategic Communication,iginiit daw ng Belarusian armed forces na hindi sila makikialam sa tinawag ng Russia na special military operation sa Ukraine.

Subalit ayon sa Ukraine ginagawa ng Russia ang lahat ng posibleng paraan para kaladkadin ang Belarus sa giyera.