-- Advertisements --

Inakusahan ng Ukraine ang Russia ng pagharang sa pag-access nito sa Black Sea habang naghahanda ang Russia para sa naval exercises sa susunod na linggo sa gitna ng tumitinding tensyon sa rehiyon.

Ayon kay Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba, ang karagatang Azov ay ganap na na-block ng Russian forces gayundin ang Black Sea.

Inilarawan ng Ukraine ang military drills ng Russia sa naturang karagatan na “psychological pressure.”

Nakatakdang isagawa ng Russia ang naval exercises nito sa susunod na linggo sa dalawang karagatan sa south ng Ukraine, ang Black Sea at ang Sea of Azov.

Nag-isyu na rin ang Russia ng coastal warnings may kinalaman sa kanilang isasagawang mga pagsasanay sa pagpapaputok ng baril at missile.