-- Advertisements --

Inaprubahan ng Ukraine ang COVID-19 vaccine na gawa ng China na Sinovac para magamit nila.

Ito ay matapos na isinumite ng Ukrainian pharmaceutical company na Lekhim ang mga dokumento sa Ukrainian authorities para sa aprubal ng Sinovac.

Hindi naman binanggit ng health ministry ng Ukraine kung ilang doses ang maaari nilang bilihin mula sa China.

Ang Ukraine ang siyang pinakahuling bansa na nagbigay ng aprubal sa Sinovac vaccine na gawa ng China.