Inihayag ng Ukrainian officials na kanilang nabawi mula sa Russia ang isang bayan na malapit sa Kharkiv, isang kabisera sa northeast Ukraine.
Ayon kay Kostiantyn Nemichev, isang opisyal sa Kharkiv Regional State Administration at miyembro ng Azov battalion, napalaya ng Ukrainian forces ang settlement ng Ruska Lozova na nasa hilagang bahagi ng Kharkiv.
Nitong mga nakaraang linggo, nauna ng sinabi ng Ukrainians na napalaya nila ang ilang bayan at nayon sa lugar.
Kinumpirma naman ngayong araw ng Ukrainian military ang pahayag ni Nemichev at sinabing napalaya ng assault unit ng Main Intelligence Directorate of the Ukrainian Defense Ministry ang naturang bayan.
Tinatamaan pa rin ng pag-atake ng Russian forces ang Kharkiv at mga lugar na nakapaligid dito subalit ayon sa pinuno ng Kharkiv regional administration na si Oleh Syniehubov na bagamat nabawasan na ang pag-atake sa lugar nananatili pa rin aniyang mapanganib na lumabas sa mga kalsada at patuloy na nakakapagtala ng mga namamatay na sibilyan kada araw.