-- Advertisements --

Nagpataw na ng ban ang Ukraine sa lahat ng mga imports mula sa Russia, isa sa kanilang trading partners bago pa man nagkaroon ng giyera ang dalawang bansa na may annual imports na nagkakahalaga ng nasa $6 billion.

Sinabi ni Economy Minister Yulia Svyrydenko na simula ngayong araw ay hindi na mag-aangkat ang Ukraine ng mga produkto mula sa Russia.

Kasabay nito ay nananawagan siya sa iba pang mga bansa na sundan ang hakbang na ito at magpatupad din ng mas matinding economic sanctions sa Moscow.

Mababatid na mula nang lusubin ng Russia ang Ukaraine noong Pebrero 24, naging virtually non-existent ang palitan ng mga produkto at serbisyo sa pagitan ng dalawang magkatabing bansa, pero ang panibagong hakbang nila ngayong araw ay nangangahulugan na tinuldukan na ng Ukraine ang pag-aangkat sa Russia.

“The enemy’s budget will not receive these funds, which will reduce its potential to finance the war,” ani Svyrydenko.

“Such a step of Ukraine can serve as an example for our Western partners and stimulate them to strengthen sanctions against Russia, including the implementation of the energy embargo and isolation of all Russian banks,” dagdag pa niya. (Reuters)