-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Ukraine military ang matagumpay na strike sa pinakamalaking oil terminal ng Crimean Peninsula na kontorlado ng Russia.

Ayon sa opisyal ng Kyiv na tinarget nila ang Feodosia terminal ang pinakamalaking processing facility sa peninsula.

Wala namang naitalang nasawi sa insidente kung saan mayroong 300 na katao ang pinalikas sa lugar dahil sa laki ng sunog.

Dumepensa naman ang Russia kung saan pinabagsak nila ang hindi bababa sa 12 mga drones ng Ukraine sa loob ng magdamag.