Ipinagmalaki ng Ukraine ang naging matagumpay na drone attack sa ammunition depot sa western Russian region ng Tver.
Ayon sa Security Service ng Ukraine na kanilang tinarget ang bodega sa Toropets city kung saan ito ay inooperate ng Russian defense ministry.
Ang nasabing bodega umano ay pinagtataguan ng Russia ng kanilang Iskander tactical missile system, Tochika-U tactical missile system, guided aerial bombs at artillery ammunitions.
Nagdulot ang nasabing drone attack ng matinding sunog kaya nagsagawa ng paglilikas ang ilang mga residenteng kalapit ng nasunog ng bodega.
Nakaramdam din ng mga pagyanig sa lugar matapos ang malakas na pagsabog.
Depensa ng Ukrainian security forces na layon ng nasabing atake ay para mabawasan ang missile capability ng Russia.