-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Ukraine na patuloy na nilang natatalo ang Russia sa halos dalawang taon na labanan.

Ayon sa Defense Intelligence ng Ukraine na kanilang inatake at pinalubog ang malaking landing ship ng Russia na nasa Black Sea.

Gamit ng Ukraine ang maritime drones ay pinalubog nila ang Caesar Kunikov.

Umabot na rin sa mahigit 20 mga naval ship ng Russia ang kanilang pinalubog na nasa Black Sea.

Pinasalamatan naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang mga kaalyadong bansa dahil sa patuloy na pagbibigay nila ng tulong sa kanila para tuluyang talunin ang Russia.