Kinondena ng Ukraine Ministry of GForeign Affairs ang naging hakbang ng Moscow na pag-oobliga sa mga Ukrainians na magkaroon ng pasaporte sa mga okupadong rehiyon ng Russia.
Kahapon, May 26 nilagdaan ni Russian President Vladimir Putin ang isang decree para sa pagbibigay ng Russian citizenship sa mga Ukrainians sa mga okupadong lugar sa Kheron at Zaporizhzhia.
Nakapamahagi na ang Russia ng daan-libung mga pasaporte sa mga residente sa separatist areas sa east ng Ukraine at sa annexed ng Ukrainian territory na Crimea gayundin sa mga residente ng breakaway republics ng Abkhazia at South Ossetia sa Georgia at Transnistria sa Moldova.
Ayon sa isang analyst for the human rights organization ng Crimea na si Yevhen Yaroshenko, maaaring magsilbing agenda ang polisiyang ng passportization para sa pagbibigay ng concripts o pagtawag sa mamamayan para sumama sa military service at combat operations laban sa Ukarine.
-- Advertisements --