-- Advertisements --

Mas nabibigyan ngayon ng katotohanan ang alegasyon ng Ukraine na mayroong mga sundalo ng North Korea ang tumutulong sa Russia.

Sa ibinahaging larawan ng Defense Intelligence of Ukraine sa social media na makikita ang ilang sundalo ng North Korea na nagsasanay sa Russia.

Dagdag pa ng Ukraine na hindi bababa sa 12,000 na mga sundalo ng North Korea ang nasa Russia.

Una ng itinanggi ni Russian President Vladimir Putin ang nasabing alegasyon.