-- Advertisements --

KIEV – Nahuli umano ng security service ng Ukraine na SBU ang isa umanong military intelligence hit squad ng Russia na siyang nasa likod ng tangkang pagpaslang sa isang Ukrainian military spy bago ang presidential election noong Linggo (local time).

Ayon kay Vasyl Hrytsak, pinuno ng SBU, pitong miyembro ng Russian group ang kanilang ipiniit at kinasuhan, at ikinustodiya na rin nila ang isa pa.

Sinabi naman ni Ukrainian military prosecutor Anatoly Matios na dalawa sa mga ito ang taga-Russia, na staff officers umano ng GRU military intelligence agency ng Moscow; habang ang anim na iba pa ay mga taga-Ukraine.

“Those detained were involved in the attempted murder of an employee of the Ukrainian defence ministry’s intelligence service … in Kiev in April,” wika ni Matios.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang GRU ng Russia ukol dito. (Reuters/CNA)