Naghahanda na ang Ukraine sa mas matinding mga pag-atake ng Russia sa gitna ng nagagananap na mas maigting na digmaan ng dalawang bansa.
Naka-standby na umano ang Ukraine sa muling mga gagawing pagpapasabog ng Russia laban sa kanila dahil sa mga bagong armas na kanilang magagamit na ipinangakong ipadadala ng iba’t-ibang bansa partikular na ang United States at Germany.
Kung matatandaan, inihayag ng Estados Unidos na ibibigay na nito ang 31 sa mga pinaka-advanced na tangke sa Ukraine upang malabanan at magkaroon ng mas malakas na mga armas kaugnay ng digmaan laban sa Russia.
Ito’y matapos na mag-anunsyo din ang Germany na tutulong ito sa pagpapadala ng mga tangke at armas na pandigmaan.
Una rito, ilang buwan nang nananawagan ang Kyiv para sa mga Western main battle tank na magbibigay sa mga pwersa nito ng mas malaking firepower, proteksyon at mobility sa kanilang bansa.