Naglabas ng patunay ang Ukraine Center for Strategic Communications and Information Security ng isang video na nagpapakita sa presensiya ng mga sundalo mula sa North Korea na kumukuha ng military fatigue uniforms sa loob ng isang Russian military base.
Ayon kay Ukraine Center for Strategic Communications and Information Security Ihor Solovey, nakuha nila ang nasabing video mula sa kanilang sariling sources kaya hindi nito pwedeng iditalye ang naturangg video.
Bukod sa mga ibinibigay na uniporme binibigyan din ang mga ito ng mga armas.
Ipinunto ni Solovey na ang mahalaga ay may nakalap silang impomasyon na nagpapatunay na nakikilahok ang North Korea sa giyera na wala aniyang kinalaman sa kanila.
Ayon naman sa military intelligence ng Ukraine na si Kyrylo Budanov, tinatayang nasa 11,000 umano na mga North Korean soldiers ang sumasailalim sa training sa may hilagang bahagi ng Russia.
Nasa 2,600 dito ay ipapadala sa Kursk region ng Russia.
Aminado naman si Solovey na malaking hamon ang malaking bilang ng mga sundalo na ipapadala ng Russia sa giyera dahil nangangailangan ito ng karagdagang mga armas.
Ayon sa Ukrainian official kailangan nila ng malalaks na armas para matalo ang kampo ng Russia at North Korea.
Matatandaan naman na nagkaroon ng kasunduan ang Russia at North Korea para sa isang strategic partnership partikular sa military assistance.