-- Advertisements --

Naglunsad ng malawakang counterattack ang Ukraine sa southern Russian border region na Kursk.

Ayon kay Andrii Kovalenko ang namumuno sa Ukrainian Center for Countering Disinformation, na ang ginawa nilang sorpresang pag-atake laban sa mga Russian forces sa ilang lugar sa Kursk ay bilang ganti sa ginawa nilang atake noong nakaraang buwan pa.

Unang nagsagawa ang pag-atake ang Ukraine sa Kursk noong Agosto at nasakop ang halos lahat ng mga teritoryo.

Tinawag naman ng Ukraine na mararapat sa Russia ang kanilang ginawang pag-atake.