Nanawagan ang Ukraine para sa isang pagpupulong sa Russia at iba pang miyembro ng European security group hinggil sa tumitinding tensyon sa border nito.
Sinabi ni Foreign Minister Dmytro Kuleba, binalewala ng Russia ang mga pormal na kahilingan para ipaliwanag ang pagbuo ng mga tropa.
Sinabi niya na ang “susunod na hakbang” ay humihiling ng isang meeting sa loob ng susunod na 48 oras para sa “transparency” tungkol sa mga plano ng Russia.
Nauna nang itinanggi ng Russia ang anumang planong salakayin ang Ukraine sa kabila ng paglalagay ng mga 100,000 sundalo sa mga hangganan ng Ukraine.
Ngunit ang ilang mga Western nations ay nagbabala na ang Russia ay naghahanda para sa military action.
Nauna nang lumabas ang ulat na planong salakayan ng Russia ang Ukraine sa araw ng Miyerkules.
Tiniyak naman ni US President Joe Biden kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky na “mabilis at tiyak” na tutugon ang Estados Unidos kung ang Russia ay gagawa ng karagdagang mga hakbang patungo sa pagsalakay.