-- Advertisements --

Nagpatupad ang Ukraine ng malawakang drone attacks sa Russia.

Target ng nasabing drone attacks ang power plants at mga oil refinery.

Ayon sa Russia na hindi bababa sa 150 na mga drones ang kanilang napabagsak na tinangkang atakihin ang kanilang mga pangunahing imprastraktura.

Iniulat din ng Ukraine na patuloy din ang ginagawang missile attack ng Russia sa kanilang border kung saan sugatan ang mahigit 40 na katao sa Kharkiv region.

Itinuturing nila na ito na ang pinakamalaking drone attack ng Ukraine mula ng sumiklab ang labanan ng mahigit dalawang taon na ang nakakalipas.