-- Advertisements --

Nagsagawa ng malawakang drone strike ang Ukraine laban sa Russia.

Dahil sa insidente ay isang babae ang nasawi sa Moscow habang maraming bahay ang nasira.

Maging ang mga flights ay napilitang mag-divert para makaiwas sa drones at tatlo sa apat na paliparan ng Russia ay nagsara na rin.

Ayon sa Kyiv na mayroong 46 drones ang kanilang ginamit kung saan 38 sa mga dito ay pinabagsak ng Russia.

Itinuturing na ito na ang malaking drone attack ng Ukraine laban sa Russia.