-- Advertisements --

Natanggap na ng Ukraine ang mga bagong advance air defenses systems.

Kinumpirma ni Ukraine defense minister Oleksii Reznikov ang pagdating ng nasabing mga air defense systems na bigay ng mga kaalyado nilang bansa.

Sinabi nito na ang nasabing mga bagong armas ay magagamit para mapalakas ang kanilang puwersa laban sa Russia.

Titiyakin nila na magiging ligtas ang kanilang kalangitan sa pamamagitan ng pagpapabagsak ng mga missiles ng Russia.

Nauna ng sinabi ng US na magpapadala sila ng mga National Advanced Surface to Air Missile Systems sa Ukraine na gagamitin para sa pagdepensa nila laban sa Russia.