-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Ukraine na kontrolado nila ang nasa 1,000 square kilometers ng Kurks region sa Russia.

Sinabi ni Ukraine army chief Oleksandr Syrskyi, na nagpapakita lamang ito na malakas ang kanilang puwersa laban sa Russia.

Pinaghahanda na rin sila ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na magpatupad ng humanitarian plan sa area.

Magugunitang pinaigting din ng Ukraine ang pag-atake matapos ang ilang missile attack ng Russia.