-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nakontrol ng kaniyang mga sundalo ang bayan ng Sudzha sa Russia.

Nangyari ito ilang linggo matapos ang pinaigting na cross-border na pag-atake ng Ukraine sa Kursk region ng Russia.

Sinabi naman ni Ukrainian military chief Oleksandr Syrskyi na umusad na ang kaniyang mga sundalo sa may 35 kilometro ng Russian defenses.

Naglagay na rin ang Ukraine ng military commandant’s office sa Sudzha para tuluyang mapanatili ang katahimikan sa kontroladong lugar nila.