-- Advertisements --

Muling nanawagan ang Ukraine ng mas mabigat na sanctions laban sa Russia.

Sinabi ni Ukraine Foreign Minister Dmytro Kuleba, na nais niya ang pagbawal sa Russian bank na Sberbank mula sa SWIFT, pagsasara ng mga European ports para sa mga barko ng Russia ,ang pagharang sa Russia sa cryptocurrency at ang pagtigil sa pagbili sa Russian oil.

Itinuturing umano na isang dugo na ng Ukraine ang mga langis na galing sa Russia.

Muling nanawagan ito sa mga kaalyadong bansa na protektahan ang kanilang airspace mula sa ginagawang pambobomba ng mga Russians.

Nararapat din na mabigyan ang bansa ng combat aircraft at ang seryosong air defenses, missiles at mga armas.