Hinimok ni Pangulong Volodymyr Zelenskiy ang West na isaalang-alang ang isang no-fly zone para sa Russian aircraft sa Ukraine.
Ito’y matapos binomba ng Moscow ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa bansa, na nagdulot ng mga bagong parusa ng Estados Unidos at mga kaalyado nito.
Ang Russia ay nahaharap sa international isolation dahil sa pagsalakay nito sa Ukraine at nabigo ang pagsagawa ng negosasyon ng dalawang panig na mapahinto ang labanan.
Sinabi ng Ukrainian officials na inatake ng Russia ang Kharkiv na may 1.4 million populasyon kung saan maraming sibilyan ang namatay na kinabibilangan ng mga bata.
Sinabi ni Zelenskiy na ito na ang tamang panahion na e-block ang Russian missiles, planes at helicopters mula sa Ukraine airspace.
Nauna nang sinabi ni Ukrainian Foreign Minister Dmytro Kuleba na ang Amerika ay nag-aalok ng higit pang suporta upang matulungan ang Ukraine na labanan ang Russia.