Ibinunyag ni Ukrainian President Volodomyr Zelensky na nangangailangan sila ng karagdagang 500,000 sundalo sa gitna na rin ng napinpintong ikalawang anbersaryo ng digmaan sa pagitan nila ng pwersa ng Russia.
Ginawa ng Ukrainian President ang naturang pahayag sa gitna na rin ng setbacks kaugnay sa tulong na magmumula sa US at European Union.
Una na kasing hinarang ng US Congress ang $60 billion na military package para sa Ukraine nitong unang bahgagi ng Disyembre.
Ngayong linggo , sinabi ng mga kinatawan mila sa White House at State Deparment na pinaplano ng US na magbigay pa ng isang military aid package para sa Ukraine subalit limitado ang kakayahan nito para magpadala ng tulong maliban na lamang kung ito ay aksyunan ng Kongreso.
Sa ngayon, humaharap ang Ukraine sa kawalan ng ammunition sa gitna ng nagpapatuloy na pakikipaglaban nito sa Russian forces matapos ang full scal invasion ng Moscow noong Pebrero ng nakalipas na taon