Humingi ng tulong si Ukraine President Volodomyr Zelensky kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magpadala ng mga mental health workers sa kanilang bansa.
Sa Bilateral meeting nina Pangulong Marcos at Zelensky sa Palasyo ng Malacanang, sinabi ng Ukrainian President na nangangailangan sila ng mental health workers para sa kanilang mga sundalo at defenders na nasa forefront ng krisis.
Layon nito na matulungan ang mental health at kapakanan ng mga ito.
Sa panig naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabihan nito ang Ukrainian leader na nakahanda ang Pilipinas na tumulong sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Filipino mental health workers.
Dagdag pa ng Presidente ang Pilipinas ay kilala sa healthcare sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong na bahagi ng commitment nito sa United Nations (UN) for the peacekeeping process.
Batay sa ulat, nuong 2022 ang Ukraine ay pang 90th trading partner ng Pilipinas, pang 119th sa export market at pang 76th sa import source.
Ang kabuuang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay umabot ng USD16.9 million.
Ang Ukraine ay nagsilbing pangalawang tahanan ng nasa 200 Filipinos subalit bumaba ito sa 25 ang bilang na karamihan ay nakapag-asawa ng Ukrainian nationals.