-- Advertisements --
RUSSIAN BALLOON

Nasa anim na Russian ballons ang nadetect sa Kyiv at karamihan dito ay napabagsak ng air defense unit ng Ukraine.

Ayon kay Ukrainian Air Force spokesman Yuriy Ignat, ang naturang balloons ay mayroong kargang reconnaissance equipment at inilunsad umano ng Russia para madetect at ma-exhaust ang kanilang anti-aircraft missiles.

Bunsod ng presensiya ng Russian balloons sa air defense system ng Ukraine, umaliwangwang ang sirens sa kabisera ng Ukraine na madalas na nangyayari lamang tuwing mayroong paparating na missiles.

Ayon pa sa authorities na gagamitin ng Russia ang lahat ng available methods ng warfare para lamang makamit ang kanilang mithiin kung kayat hindi nila isinasantabi ang posibilidad na kayang magsagawa ng surveillance ng nasabing devices.

Makailang beses na ring niulat ng Ukrainian authorities na simula ng sumiklab ang Russian invasion noong Pebrero 24 ilang Russian balloons ang namataan sa airspace ng Ukraine.

Nitong Martes, pansamantalang isinara ng Moldova, karatig bansa ng Ukraine ang kanilang airspace dahil sa presensiya ng flying object na kahawig ng weather balloon sa gitna ng umiigting na tensiyon sa rehiyon.