-- Advertisements --
Pinagbawalan ng Ukraine ang COVID-19 vaccines mula sa kanilang matagal na kaaway na bansang Russia.
Nagpasa pa ng resolution ang kanilang gobyerno para sa tuluyang pagbawalan ang registration ng bakuna mula sa tinatawag na “aggressor states”.
Ang nasabing hakbang ay ginawa ng Ukraine kahit nagkukumahog sila sa kanilang vaccination campaign.
Nauna ng makailang beses ng tinanggihan ng Ukraine ang panawagan ng mga pro-Moscow politicians na aprubahan ang Sputnik V vaccine ng Russia.
Tiniyak naman ni Ukraine President President Volodymyr Zelensky na sisimulan na nila ang kanilang vaccination campaign hanggang sa katapusan ng buwang ito.