-- Advertisements --
Nasa bansa ngayon at bisita ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. si Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa Malakanyang ngayong araw.
Nagpulong si Zelenskyy at Pang. Marcos kung saan tinalakay ang bilateral na ugnayan ng dalawang bansa.
Una rito, sorpresang dumating si Zelenskyy sa Singapore kahapon kung saan ginaganap ang Shangri-La Dialogue kung saan naman nagtalumpati si PBBM noong Biyernes.
Batay sa mga ulat, nakipagpulong ang Ukrainian President kay US defense secretary Lloyd Austin.
Hiningi rin daw nito ang suporta ng mga bansa sa Asya para sa paparatibg na peace summit at inakusahan ang China na tinutulungan ang Russia para madiskaril ang peace talks.